Trapiko sa EDSA tumino sa bus segregation

UNTI-UNTI nang nasasanay ang mga motorista sa bagong sistema na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bus segregation scheme upang mabawasan ang matinding trapiko na nararanasan sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Ito ang inihayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino dahil sa pangalawang araw ng kanilang ipinatupad na programang bus segregation scheme ay naging mas maayos na ang trapiko sa naturang lugar.

“May improvement tayo. Marami nang nakakaalam at palagay ko po ay nakatulong dahil ang tingin ko yung ilang colorum hindi lumabas dahil wala silang naiprisintang mga papel at mga sticker,” ani ni Tolentino.

Bukod pa aniya nag-i-improve ang awareness ng mga pasahero at hindi kagagaya noong unang araw ay marami pang nalilito at marami din silang natatanggap na reklamo kaugnay sa mga inilagay na bus stop sa bawat lugar sa kahabaan ng EDSA.

Dagdag pa ni Tolentino, sa pangalawang araw na kanilang ipinatupad na programa ay umaabot sa 140 pampasaherong bus ang nahuli karamihan ay sa Ayala-EDSA dahil sa bus segregation scheme.

Magugunitang nakapaloob sa plano ng MMDA, ibabalik ang bus stops segregation sa EDSA  at may dalawang ekslusibong linya na Buses A (Alabang-bound) at Buses B (Baclaran-bound) subalit nagtalaga ang MMDA ng Bus C para sa “ALL STOP BUSES”  na ang ibig sabihin ay maaaring dumampot at magbaba ng mga pasahero sa mga short distance travels.

Aniya, kailangan lang ang disiplina ng kapwa pasahero at mga driver ng bus upang magkaroon ng pangmatagalang epekto ang bagong sistema.

Sinabi pa ni Tolentino na marami na siyang natatanggap na komento  na nagsasabing mas maluwag na ang daloy ng trapiko ngayong sa kahabaan ng EDSA  dahil sa mayroon nang bus segregation scheme.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply