Tricycle driver tinodas ng riding-in-tandem

PATAY ang isang tricycle driver  matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Quezon City kaninang madaling-araw Disyembre 13, 2012.

Kinilala ang biktima na si Dennis Kiling, 23, ng 327 Gravel Pit Road.  Payatas, QC.

Si Kiling ay namatay noon din dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Ayon kay PO2 Ric Sison ng Quezon City Police District Batasan Police Station 6, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw kanina habang bumibiyahe ang biktima sa Litex Road, Brgy. Commonwealth,QC patungo sa direksyon ng Payatas nang dikitan  ng hindi naplakahang motorsiklo sakay ang dalawang suspek.

Basta na lamang pinagbabaril ng mga suspek  ang  biktima  at nagawa pa nitong makatakbo  sa isang  warehouse kahit na may tama  na.

Sinundan ng mga suspek  ang  biktima  saka  muling  pinagbabaril hanggang  sa duguang humandusay.

Matapos  ang pamamaril  tumakas ang  mga  suspek at  iniwan ang duguang  biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply