Trike driver nirapido ng riding-in-tandem sa QC

crime-scene-chalk-mark

NIRATRAT ng dalawang motorcycle assassin ang isang tricycle driver habang bumibiyahe ito sa Quezon City, Huwebes ng  madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahgai ng katawan ang biktimang si Dennis Kiling, 23-anyos residente ng Gravel Pit Road, Barangay Payatas.

Blangko pa ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kung ano ang motibo sa pamamaril at maging kung sino ang dalawang lalaking sakay sa motorsiklo na may pakana ng krimen.

Ayon sa CIDU, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Payatas Road, Barangay Commonwealth.

Sa pagsisiyasat ni P02 Ric Sison, tinatahak ng biktima ang lugar nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek.

Bagama’t tinamaan na sa hita, napatakbo pa rin ng biktima ang kanyang traysikel at sumilong sa isang bodega para magtago ngunit nasundan siya ng mga suspek.

Sa kopya ng CCTV footage ng warehouse, nakitang iika-ika na si Kiling na pumasok sa bodega na sinundan ng mga suspek at saka pinagbabaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply