Trike sumalpok sa puno, 1 patay, 5 sugatan

bangkay 2

NAMATAY ang isang 9 na taong gulang na bata habang lima pa ang nasugatan nang sumalpok ang sinasakyang tricycle sa isang malaking puno sa General Luna, Quezon, kaninang madaling araw.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya binabaybay ng tricycle ang Bondoc Peninsula Highway at pagdating sa palikong daan ay nawalan ng kontrol ang drayber ng traysikel kaya natumbok nito ang isang malaking puno.

Dahil dito, agad na namatay ang bata na kinilalang si Carlo Perillo.

Nilalapatan na ng lunas sa ospital ang lima pang nasugatan.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply