Trike vs tambak na buhangin, 1 patay

miner

PATAY ang isa habang apat naman ang malubhang nasugatan nang nagpasirko-sirko ang kanilang sinasakyan na traysikel matapos tumbukin sa kalsada ang tambak na buhangin sa Albay, Biyernes ng gabi (Disyembre 14).

Dead on arrival sa Bicol Regional Trainning and Teaching Hospital ang nanay ng tricycle driver na nakilalang si Melinda Biñas, 56-anyos, sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa nabanggit na ospital ang mga biktimang sina Adrian Biñas, 13-anyos; Frankie Biñas, 16-anyos; Jean Cordial, 16-anyos, at ang driver ng traysikel na si Melvin Biñas, 26-anyos, pawang residente ng Barangay Pinit, Ligao City.

Bagama’t nasaktan din sa aksidente, sasampahan pa rin ng kaukulang kaso si Melvin at hihintayin lamang gumaling bago ipasok sa rehas.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:05 nitong Biyernes ng gabi sa national highway ng Barangay Tinago sa nasabing lungsod.

Bago ito, sakay ang mga biktima sa naturang traysikel na minamaneho ni Melvin at tinatahak ang kalsada nang hindi namalayan nito ang nakatambak na buhangin sa gitna ng daan.

Dahil sa madilim ang lugar, tinumbok ni Melvin ang tambak ng buhangin dahilan para ito mawalan ng balanse hanggang magpagulong-gulong ang kanyang traysikel sa daan.

Sa ngayon, may planong pananagutin sa aksidente ang taong nagtambak ng nasabing buhangin sa gitna ng daan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply