Tropa at barko ng PCG patungo na sa Davao

pcg2

PATUNGO na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at barko nito sa Mati, Davao upang tumulong sa provincial Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa kanilang relief mission.

Bukod dito, maghahatid din  ang PCG ng relief goods sa Banganga Davao Oriental at mga karatig lugar nito na labis na sinalanta ng bagyong Pablo.

Ayon kay Rear Admiral Luis Tuazon Jr, OIC  ng PCG, lulan ng kanilang search  and rescue vessel 3504 ang kanilang rescue teams at medical teams para sa mga nasalanta sa Compostela Valley.

Patungo naman sa Cebu  ang hospital ship ng coast guard  na SAR vessel 003 na aalalay sa mga biktima ng bagyo sa Visayas kasama na rin ang pagdadala ng relief goods at mga gamot.

Samantala, nasa 872 na lamang ang kabuuang stranded na mga pasahero sa pantalan sa bansa na apektado ng bagyo, 133 rolling cargo, 32 barko, habang 19 nman ang nagtago o nag-take shelter upang hindi mapuruhan ng bagyong Pablo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply