Tropa ni PNoy na si Archbishop Soc, pumalag kontra RH Bill

dennis-legaspi-pulso

MARAMING kapana-panabik na eksena ang magaganap sa Senado at sa Kamara de Representante ngayong linggong ito, ilang araw bago mag-Pasko.

Hindi ko tinutukoy ang naka-iskedyul na paglabas ng limpak-limpak na bonus ng mga empleyado doon. O ang pag-relis ng milyones na “pork barrel” ng ating kapita-pitagang mga mambabatas.

Tinutukoy ko ang nakatakdang pag sintensya ng ating mga butihing senador sa kontrobersyal na “RH bill.”

Matatandaang lumusot na sa Kamara ang naturang panukalang batas noong nakaraang linggo sa boto na 113-104.

Kung sakaling maipasa ito ngayong Lunes sa Mataas na Kapulungan, inaasahang makakapag bicam na agad at hindi matatapus ang taong ito ay maisasabatas na ang panukala, matapus ang ilang dekada ring pagkatengga nito sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

*****

Sa kaugnay na istorya, ang inyong lingkod ay nagulat dahil matapus sertipikahan ni Pangulong Benigno Aquino bilang “urgent measure” ang RH bill noong Biyernes, bigla namang nagpalabas ng isang strongly-worded na “pastoral letter” ang matalik nitong kaibigan na si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates D. Villegas.

“Those who mislead the young invoke divine punishment on themselves. Let us leave to the young a legacy of decency and morality, not promiscuity and moral corruption,” binigyang-diin ng arsobispo sa kanyang sulat na binasa sa lahat ng mga simbahan sa Pangasinan.

Nakuha na kayang makipag dayagulo man lang ng isa sa mga kapatid ni Pnoy sa kanilang kaibigang si Archbishop Soc, na tila matagal ding nanahimik ah at hindi nagkukumento ukol sa isyu hanggang nung araw ng Biyernes.

Etong si Archbishop Villegas, na naging kaklase pa sa haiskul ng aking tiyuhin sa Letran, ay kilalang malapit sa pamilyang Aquino simula pa noong naninilbihang itong Vicar General at Special Assistant ng namayapang si His Emminence Jaime Cardinal Sin ng Archdiocese of Manila noong dekada 80’s at 90’s.

******

Bukas po ang inyong lingkod sa anumang hinaing, reklamo o komento. Maaaring mag-email lamang sa pulsonyo@gmail.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply