Tserman todas sa riding-in-tandem sa Tondo

PATAY ang isang punong barangay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Sa inisyal report ng pulisya, nakilala ang biktima na si Punong Barangay Arthur Grutas.

Nabatid na kabababa lamang ni Grutas sa kanyang kotse nang bigla siyang lapitan ng mga suspek lulan ng di naplakahang motorsiklo at walang sabi-sabi itong pinaputukan sa likuran.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya kung may natangay na pera at gamit mula sa biktima ng mga suspek na tumakas matapos ang insidente.

Patuloy ding iniimbestigahan ang motibo ng pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply