Tsinoy arestado sa pagpaputok, negosyante nasugatan

SUGATAN ang isang negosyante matapos magpaputok ng baril ang isang lasing na Filipino-Chinese sa Ongpin Street, Binondo, Manila kagabi.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Gerry Montuno matapos magtamo ng sugat sa ulo.

Pinipigil naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si William Lim na nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Ayon kay Nilo Hio, negosyante, magkasama sila ng biktima nang lapitan sila ng suspek na lasing at nagkaroon ng gulo.

Nang magkainitan ay kinuha ni Lim ang kanyang baril sa kotse at nagpaputok ng dalawang beses.

Maging ang isa pang negosyante na si Adrian Kwan ay nagawa rin umanong tutukan ng baril ng suspek.

Agad namang nakapagresponde ang mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 11 at naaresto ang suspek.

Nakuha sa suspek ang ginamit sa pagpaputok na kalibre .45 baril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply