Tubig sa ilang brgy. sa Cateel, Davao, nagpositibo sa E. Coli bacteria

NAGBABALA na ang Department of Health kaugnay sa presensya ng kontaminasyon ng bacteria ng tubig sa Cateel, Davao Oriental.

Kaugnay nito, patuloy ang ginagawang pagkilos ng DOH para tugunan ang problema sa suplay ng malinis na tubig sa mga residente ng Davao Oriental.

Sa kasalukuyan, nagiging abala na ang naturang ahensya matapos magpositibo sa E. Coli bacteria ang suplay ng tubig sa tatlong barangay sa Cateel.

Ayon sa DOH, nagpadala na sila ng chlorine solution at health supplies sa mga apektadong residente para mayroon silang mainom na malinis na tubig.

Tinatayang nasa 27 hanggang 30 pasyente sa Cateel District hospital ang na-diagnose na tinamaan ng diarrhea.

Kasabay nito, pinag-iingat na rin ng DoH ang mga residente na pansamantalang pakuluan ang iniinom na tubig para maging ligtas sa karamdaman habang hindi pa naaabot ng suplay ng inuming tubig ang kanilang barangay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply