Tulak na yagit na menor de edad at berdugo ng Taguig

MISYON-AKSYON_Arnel-Petil

Mula sa  0919362……
Good pm po, Mr. Petil. Pakikalampag naman po ang QCPDC  Station 3 na ang hepe ay si Supt.  Michael Macapagal kasi mabilis siya pag-dating sa parating pero sa pagresolba ng kaso super bagal. Dito po kasi sa kanto ng Mindanao Avenue cor. Tandang Sora, talamak po ang bentahan ng shabu. Ang mga tulak ay puro menor de edad na yagit at ang mga tricycle driver ng BTST TODA ang gumagamit ng shabu. Pakikalampag na rin po ang Barangay Chairman na si Heronemo.

Ang mga bata po ay sina alyas  Ryan, Jovit at Macmac. Sa palengke po nila iniiwan ang ibinibenta nila kay Pol isda. Wala pong oras pero mas  tahimik sa gabi. Pati mga batang yagit ay ginagamit hong tagalabas   ng shabu na galing Culiat, QC. From: 0921779….

Good pm, sir. Pakikalampag  nga  itong  RED CARD Grill dito sa kanto ng P. Noval St. cor. Iloisa st. malapit  sa UST. Sobrang maingay at puro estudyante ang umiinom, babae at lalaki. Wala po itong permit at may closure order na pero nag-o-operate pa rin sila.

Sana’y mabigyan ng pansin ang aming reklamo at hinaing. Siguro malaki ang tinatanggap ng mga taga-barangay kaya patuloy ang pagkunsinti nila kahit nakabubulabog na sa aming  pagtulog.From: 0912711….

Good am, sir. Itago n’yo na lamang ako sa ngalang Miss V. Dito  po ako sa Taguig City Hall at naka- assign sa GSO Department. Lumapit po ako sa inyo upang humingi ng tulong na kalampagin si Mr. Ryan G., head ng GSO, sa ginagawang pangungunsinti sa 1 kasamahan naming paborito niya. Ang taong tinutukoy ko ay si Jon Roldan na malupit pa isang mayor kung manakit ng tao. Kahapon, naging biktima niya ang 1 naming kasamahan. Sa ‘di malamang dahilan ay biglang hinataw ng tubo ang kawawang biktima.

Ngayon ay nanahamik at nagpapahinog na lang sa pinsalang inabot niya sa kamay ng kung  tawagin ay “birador” ng GSO. Kahit kasi magsumbong siya sa aming head, eh, dedma lang ang aabutin niya. Alpie ang name ng biktima. Naaawa po ako sa biktima kaya naglakas loob ako na lumapit sa inyo.

Paging Taguig Mayor Cayetano. Madam, pakiimbestigahan  naman  po ang  bata  mo  na masahol pa sa berdugo. Kahit walang  kasalanan, kung manakit, grabe.  Aba, pakisibak muna ‘yan baka sa susunod na halalan ay matalo ka. Kawawa naman ang mga biktima  niya. At kay Col. Michael Macapagal, pakipasadahan naman ang kanto ng Mindanao at iyong mga   tricycle driver umano ang  mga adik at  puro menor ang kanilang  tulak.

Aksyon na, Col. Macapagal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply