Tulak swak sa buy-bust sa Caloocan City

drugs

KULONG ang isang tulak ng shabu matapos ang isinagawang buy-bust operation sa kanilang lugar sa Caloocan City kagabi, Disyembre 26.

Nakilala ang suspek na si Alvin Angeles, 32, ng Road 11, GSIS Hills, ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa ginagawang pagbebenta ng shabu sa nasabing lugar.

Dakong alas-9 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa nasabing lugar at nang iabot ng suspek ang sachet ng shabu kapalit ng P500 sa pulis na nagpanggap na bibili ay agad na dinamba si Angeles.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply