Tulak tinaniman ng bala, dedo

TATLONG tama ng kalibre 45 baril ang tumapos sa buhay ng isang 38 anyos na umano’y tulak ng shabu, matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek, habang nagmistulang look-out ang dalawa nitong kasamahan sa Tondo, Manila kaninang umaga.

Nakilala ang biktimang si Victor Suratos, may ka-live-in ng Maria Guizon St., Tondo, habang mabilis namang tumakas ang tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na pawang armado ng baril, at sinasabing isa dito ay dati ng katunggali ng biktima at kalaban sa negosyo ng shabu na umano’y isang alyas “Dikya” ng nasabing lugar.

Batay sa ulat na ipinarating kay P/Sr.Insp. Esmael dela Cruz,hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 10:30 ng umaga, nang umalingawngaw ang tatlong sunod-sunod na putok ng baril , habang umano’y abala ang biktima sa pagbebenta ng hinihinalang shabu sa tabi ng riles ng tren sakop ng Brgy. 152 Zone 14 sa Maria Guizon St., sa Tondo.

Nabatid sa pulisya na makaraang pagbabarilin si Suratos, nagpulasan ang ilang kalalakihan na umano’y bumibiyahe pa ng droga , at ilan pa sa mga tambay ang kumuha ng malaking halaga sa bulsa nitoi at ilang naka plastic sachet na shabu, habang buhat buhat para isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Tikom naman ang mga bibig ng ilang residente sa lugar, subalit isa sa kaanak ng biktima ang nagsabi na dati na umanong nagkabarilan  ang kanilang pinsan (biktima) sa isang alyas “Dikya” na umano’y ka kompetensiya nito sa pagtutuiak ng shabu sa lugar.

Gayunman, patuloy pa rin  ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, habang ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya, habang iniimbestigahan ang nasabing insidente upang mabatid ang tunay na dahilan ng pagkakapaslang sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply