Tuloy ang Paskong Pinoy

trending ngayon

BAGO mag-Pasko noong nakaraang taon, naglabas diumano ang pinuno ng Service Canada sa Quebec na si Marc Simoneau ng isang direktiba para sa mga empleyado ng ahensiya.

Ang nilalaman ng memo ni Simoneau sa 118 opisina ng Service Canada sa probinsiya ay ang pagbabawal na lagyan ng Christmas decorations ang mga pampublikong lugar.

Hindi naging katanggap-tanggap para sa karamihan ng mga empleyado ng Service Canada ang sinasabing

kautusan ng kanilang pinuno at naging isyung politikal pa ito.

Sinabi ni Liberal MP Denis Coderre na kahiya-hiya ang inilabas na direktiba ni Simoneau at ito naman ang naging pagbatikos ni NDP MP Alexandre Boulerice:”Why do the Conservatives want to steal the magic of Christmas from the Service Canada employees? What do they have against celebrating Christmas?”

Para hindi na maging delubyo ang isyu sa kanilang Pasko, agad na naglathala ng pahayag si Human Resources Minister Diane Finley.

Ayon kay Finley, hindi nararapat na pigilan ang mga empleyado ng Service Canada sa Quebec at pati na rin ang mga nagtatrabaho sa mga opisina ng ahensiya sa buong Canada kung ninanais ng mga ito na ipagdiwang ang Kapaskuhan at iba pang holidays.

Dahil sa pagtiyak na iyon ni Finley, naglaho na rin ang isyu pero tila naging malamig ang Pasko para kay Simoneau.

***

Ang Pasko ay panahon ng pagsulong tungo sa katuparan ng ating mga mithiin bilang mamamayan ng ating bansa.

Maaari nating maging inspirasyon ang mensahe ng pagmamahalan at pag-asa sa kapanganakan ng ating tagapagligtas na si Hesukristo.

Ang Pasko ay pagkakataon para sa pagkakaroon ng mas matibay na relasyon ng mga pamilyang Pinoy at pagkakaloob sa kapwa ng natanggap nating pagpapala.

Maging makabuluhan sana ang Paskong ito para sa ating lahat. Nais ko kayong batiin lahat ng isang maligayang Pasko. Tuloy ang Paskong Pinoy.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon at komento, pumunta sa aking website nawww.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply