Turista ang ekonomiya

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

SA araw ng paglabas ng kolum na ito, nakabalik na kami mula sa limang gabi at anim na araw na pananatili sa Hong Kong.

Hindi ito isang bansa, isa lang itong special administrative region na dating kolonya ng British pero naibalik na sa pamamahala ng Tsina.

Dumating kami sa HK noong Disyembre 21 at doon na kami nagdiwang ng isang payak na Noche Buena, kasama ng aking dalawang barakong anak at isang sexy na asawa.

Ang totoo, first time kong naranasan na mag-Noche Buena ng KFC chicken sa loob ng hotel, happy na rin kahit alam kong marami tayong mga kababayan ang naghain ng hamon, queso de bola, litson at tsokolate batirol.

Ang importante naman talaga ay kasama mo ang iyong pamilya sa pagsalubong ng Pasko.

By the way, sponsor lang pala ang trip namin dahil may kaibigang nagmagandang loob na nagregalo ng tiket at hotel accommodation kaya sinunggaban na rin namin.

Sa tuwing may mga kaibigan akong nag-iimbita ng mabilisang lakad sa abroad, palaging Hong Kong ang unang pumapasok sa isip ko. Magmula nang mapunta ako sa HK noong 1998, iyon na ang naging paborito kong pasyalan.

Una, masarap ang pagkain, magandang klima kapag ganitong panahon ka nagpunta, around 8 to 12 degrees, madali ang transportasyon, may MTR, may ferry, at kahit anong oras ka mag-taxi, makasasakay ka nang hindi makikipag-away sa tsuper. lahat ng kailangan mo, parang abot kamay mo lang.

May mangilan-ngilang pulis ang makikita mo sa daan pero walang dalang baril kaya magtataka ka rin kung bakit takot ang mga kriminal na gumawa ng kanilang kabuhayan sa kalsada.

At ang malaking factor kung bakit ang HK ay may taunang tourist arrival na 12 to 20 million, pakiramdam ng mga turista, ligtas sila kahit saan magpunta. on record ito, noong nakaraang 2010, umabot sa record breaking 32 million tourists ang dumating sa HK.

Nakalulungkot nga dahil dito sa atin, kapag umabot sa tatlo hanggang apat na milyon ang turista, lumulundag na tayo sa saya gayong sobrang laki pala ang nawawala sa atin.

Pakiramdam ko sa hk, nag-usap-usap ang gobyerno, restaurant owners, hotel owners, ang transportation sectors, ang mga negosyante at ang kanilang mga mamamayan na mahalin ang mga turista dahil ang mga iyon ang bumubuhay sa kanilang ekonomiya.

Puwede naman sigurong gawin ito ni Tourism Secretary Mon Jimenez dahil ang higanteng turismo ang magbibigay ng maraming trabaho sa mga Filipino.

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply