Turista nabagsakan ng metal sheet sa NAIA 2

HINDI na nakatitiyak ng kaligtasan ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport nang walang kabog-abog na mabagsakan ang isang matandang babaeng turista sa ulo ng metal tile sheet habang bumibili lamang ng cake at naghihintay ng kanyang flight.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado, naghihintay ng flight ang lola sa NAIA-Terminal 2 nang aksidenteng bumagsak ang metal sheet na naging daan para ito masugatan.

Ang biktimang hindi pinangalanan ay nilapatan ng lunas sa Philippine Airlines (PAL) clinic bunga ng hematoma at pasa sa ulo at nakatakdang ilipat sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Sinabi naman ni Dr. Angelica Corpuz, physician on duty ng MIAA, hindi malubha ang pinsala sa ginang subalit kailangan pa nitong sumailalim sa mga pagsusuri kaya dinala ito sa regular na pagamutan.

Sasagutin na umano ng tindahan sa paliparan ang pagpapagamot at pagpapa-rebook ng pasyente.

Wala namang ibang nasaktan sa pagbagsak ng tile sheet at agad umano itong isasaayos.

Matatandan, sa isinagawang SONA ni Pangulong Aquino na pang-apat na siyang Pangulo na  sasalo sa problema ng NAIA 3.

Nagbitiw na rin ng salita si Secretary Mar Roxas na nagsabing bago tayo magkita sa susunod na SONA, maisasaayos na ang mga structural defects na minana natin sa NAIA 3.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply