Turistang Kano natagpuang patay sa Boracay

crime6

BANGKAY na nang matagpuan ang isang turistang American national sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto sa isang resort sa Boracay Lunes ng gabi (Disyembre 17).

Wala naman na nakitang anomang kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Fred Harvey Lubia, 60-anyos, kaya hinala ng pulisya na maaring binangungot ito sa pagtulog.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 8 nitong Lunes ng gabi sa loob ng room 12 ng Boracay Studios Resort na nasa Sitio Diniwid, Barangay Balabag, Malay sa isla ng Boracay.

Ayon sa pamunuan ng nasabing resort, bago ang pagkakadiskure sa krimen ay kinakatok nila ang kwarto ng biktima ngunit hindi ito sumasagot kaya tumawag na sila ng pulis.

Pagdating sa resort, pinuwersang buksan ang pintuan ng inuupahang kwarto ng dayuhan at nakita itong nakadapa sa kanyang kama .

May nakita na isang basag na bote sa gilid ng kama ng biktima pero hinihinalang natabig ito kaya nahulog at nabasag sa sahig .

Isasailalim pa rin sa awtopsya ang bangkay ng biktima upang mabatid ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito at kung may naganap na foul play.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply