Tuwing may bagyo

raul_valino

TUWING may bagyo ay pare-pareho na lamang ang hinaing ng bayan.

Kulang ang evacuation centers, kulang ang pagkain, kulang ang gamot, kulang ang damit at kulang ang attention na galing sa gobyerno.

Lagi na lamang maraming namamatay. Tao, hayop at pananim.

Lagi na lamang replay ang ating napanonood o ating naririnig.

Hahabulin daw ang mga illegal logger na sanhi ng baha dahil sa mga kalbong kagubatan at kabundukan.

Wala ni isa man yata ang nakukulong na illegal logger.

Kamakalawa, isang malupit na bagyo and dinanas ng mga taga- Visayas at Mindanao.

Nasa 100  katao ang namatay and counting dahil kay rami pang nawawala.

Kay raming lugar na nawalan ng kuryente, at kay rami ring nawalan ng masisilungan.

Isang linggo nang may babala sa noon ay parating na bagyo na ang tawag ay Pablo.

Ngunit ang mga tao ay kampante pa rin. Ang mga local government ay totoong nagbabala rin ukol sa pinsala ng darating na bagyo subalit hanggang doon lamang ang ginawa ng mga governor, mayor at iba pang mga local official.

Ni wala man lamang silang ginawa upang siguraduhin na may sapat na bilang tayo ng mga eva-cuation center. Inasa na lamang sa mga public school na laging nagsisilbing evacuation center.

Para bang lahat ng mga local official ay nagdarasal na mangyari ang mga sakuna upang ma-declare na state of calamities ang mga bayan na daraanan ng bagyong Pablo.

Laking pera ang involved tuwing may state of calamity. Milyon-milyong piso ang ipinamumudmod sa mga local government nang walang accounting.

Saan ba napupunta ang perang galing sa pondo tuwing may state of calamity? Ito ay perang hindi man lamang nararamdaman ng mga nasalanta sa Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply