TV reporter, 2 pa, sugatan sa aksidente sa CamSur

NASUGATAN ang tatlong katao kabilang ang isang TV reporter matapos maaksidente ang kanilang sasakyan sa Barangay San Ramon, Pamplona, Camarines Sur kagabi, December 23.

Nabatid sa ulat ng Pamplona-PNP, kinilala ang mga bitkima na sina Wilfredo Raborar Jr., driver ng van ng ABS-CBN-Naga; Pio Poñada, cameraman; at ang reporter na si Jonathan Magistrado.

Nagkaroon ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sina Poñada at Raborar habang minor injuries lamang ang nakuha ni Magistrado.

Batay sa ulat galing umano sa Daet, Camarines Norte ang sasakyan ng naturang TV station ngunit aksidente itong nadulas nang sumapit sa bahagi ng kalsadang isinasailalim sa reblocking sa naturang bayan dala ng matinding buhos ng ulan at sumalpok pa sa isang Mitsubishi Adventure na nasa unahang bahagi nito na minamaneho naman ni Julius
Chavez.

Walang namang sinapit na pinsala si Chavez habang agad namang isinugod sa ospital ang tatlo at kasalukuyan pang nagpapagaling.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply