Typhoon ‘Bopha’ mas malakas kaysa ‘Sendong’

MAS malakas pa sa kalibre ng bagyong ‘Sendong’ ang Typhoon Bopha na ngayon ay mas lumalakas pa at kapag pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ay tatawagin na ‘Pablo’.

Sinabi ng Weather bureau PAGASA na malaki ang posibilidad na ang Bopha ay maging isang ganap na isang super typhoon sa susunod na mga araw at mas matindi pa ito kay “Sendong,” na nagdulot ng massive destruction sa Mindanao noong nakaraang Disyembre.

“Ang Sendong noong pumasok, 65 kph lang siya, pero ito 165 (kph) na ngayon,” pahayag ni PAGASA weather forecaster Jori Loiz.
Inaasahan papasok ito sa Philippines area of responsibility (PAR) mamayang gabi (Disyembre 2) o Lunes ng madaling araw. Maari itong tumama ng kalupaan sa Martes ng gabi.

Base sa PAGASA’ forecast track, maapektuhan ng naturang bagyo ang nga probinsya ng Eastern Visayas at Northeastern Mindano.
Sa Albay, nagpulong na agad ang mga local officials para paghandaan ang posibleng pananalsa ng bagyo.

Sa Martes, mahigit sa 350,000 residente ang ililikas. Ang mga ospital sa Bicol ay ikakasa sa code white.

Samantala, naghanap na ang National Food Authority (NFA) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na relief goods para sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Nitong Linggo na alas 2:00 am, huling namataan ang typhoon Bopha sa layong 1,380-km silangan ng Southern Mindanao na may maximum sustained winds na 175 kph at pagbuigo na aabot sa 201 kph. Tinataya itong kikilos patungong kanluran hilaga kanluran sa bilis na 20 kph.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply