Ulang brothers, humahataw!

ISA na kami sa natuwa na magbabalik na pala sa ere ang paborito naming legal drama na Ipaglaban Mo ngayong Sabado, Nov. 10, 2:30pm sa GMA News TV.

Yes, mula sa pagiging isang Kapamilya noong ‘90’s ay mga Kapuso na ngayon ang mag-amang Atty. Jose at Jopet Sison.

Wala naman daw kaso ‘yun sa ABS-CBN kasi sila naman daw ang may pag-aari ng Ipaglaban Mo na show. “Noong ‘90s naman wala pa namang mga tinatawag na Kapamilya at Kapuso, ngayon na lang nauso ‘yan,” pahayag ni Atty Jose Sison.

Napanood na namin ang pilot episode kung saan mga bida sina Dominic Rocco at Glaiza De Castro bilang mag-asawa. Namatay si Glaiza sa panganganak at inaangkin ngayon ng mayaman na mga magulang ni Glaiza ang baby ni Dominic dahil hindi naman daw nito kayang buhayin ang bata dahil mahirap lang ito at wala pang trabaho.

Dinemanda ni Dominic ang rich parents ni Glaiza ng child custody at sa show itatalakay kung kanino ba ipagkakaloob ng judge ang bata. Malalaman natin ang kasagutan sa Sabado.

Napaiyak kami ni Dominic sa eksena niyang nagmamakaawa siya sa mga magulang ni Glaiza na ibigay sa kanya ang anak niya. Sa totoo lang, mas napapansin ngayon si Dominic kaysa sa kambal niyang si Felix Rocco.

Sayang lang at hindi siya masyadong nabibigyan ng project ng GMA kung saan siya naka-exclusive contract.

Ang huli niyang project ay yung Makapiling Kang Muli kung saan pinatay naman kaagad ang character niya kaya hindi rin siya nagtagal sa natapos na teleseryeng ito ni Richard Gutierrez.

Calling GMA Artist Center, bigyan n’yo naman ng projects si Dominic tulad ng Sisid kung saan isa siya sa mga bida. Napakahusay niyang artista, ano?

Ang resident director ng Ipaglaban Mo ay si Direk Dante Nico Garcia. Executive producer is Angelina Samson-Valvieja.

***

Tulad ng No Other Woman, super blockbuster rin sa takilya ang A Secret Affair nina Anne Curtis, Derek Ramsay at Andi Eigenmann. Hanggang ngayon ay palabas pa rin ito sa mga sinehan on its third week! At iniikot na rin nito ang mga sinehan sa US mula pa noong Nov. 2 hanggang next week!

Bentang-benta rin ang original soundtrack CD nito kung saan kasama ang kanta ni Nina na Don’t Say Goodbye at iba pang love songs na maantig talaga ang mga puso niyo. Of course handog ito ng Viva Films at Viva Records!

***

Super nakakakilig ang Suddenly It’s Magic nina Erich Gonzales at ang sikat na Thai hearttrob na si Mario Maurer. The story fulfills every ordinary girl’s dream and fantasy na ma-in love sa kanya ang isang sikat na artista at isang gwapong foreigner pa!

Totoo lang, isang eye candy si Mario Maurer. Wala yatang anggulo na pangit siya. Super magsu-swoon ka sa kanyang kagwapuhan. Marami tuloy ang nagtatanong kung nain-love ba si Erich sa tunay na buhay kay Mario habang sinu-shoot nila ang movie?

Anyway, patuloy na dinadagsa ng mga tao ang Suddenly It’s Magic now on it’s second week!
***
Aba gumagawa na rin ng sarili niyang pangalan si Eris Ulang, ang younger brother ng Mr. Pogi 2012 na si John Edric Ulang. Siya ang nanalong first runner-up sa katatapos lang ng Viva Teen Faces na pageant sa Music Museum.

Miyembro na rin siya ng isang upcoming boyband na Snapback na magkakaroon ng show ngayong Sabado, Nov. 10, 7pm sa Puerto Prinsesa Coliseum, Palawan.

Kasama nila rito ang PBB Teens na sina Myrthel at Yves plus Richard Yap at Jodi Sta Maria. Eris is 16 years old at kasama niya sa Snapback ang fellow Teen Faces niya na sina Ivan Fermin, Joemarie Magalona at Geo Ong.
***
Sina Ryza Cenon at Chariz Solomon ang guests this week sa Bubble Gang.

Kasama sila sa Di Sipot Sa Date gags at Magic Flakes (John Lloyd) commercial spoof.

Alamin kung ano ang Code Error at Hanggang Sa Huling Cheese. Apir ang fave regulars niyo na Pick-up Lines, Ang Dating Doon, Mr. Assismo, Ba’t Ganun at Moymoy Palaboy (It Might Be You).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply