Umawat sa 2 nagtatalong lasing sinaksak, kritikal

KRITIKAL ang isang bebot nang saksakin ng isa sa dalawang lasing na nagtatalo sa Caloocan City kahapon, Disyembre 28.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Evangeline Quitalig, 37, ng PNR cmpd., ng lungsod.

Nadakip naman si Rodolfo Dela Cruz, 47, ng Heroes Del 96 ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon, bisita ng suspek ang biktima kasama si Kim Bañez na nauwi sa inuman.

Makalipas ang ilang tagayan ay nakatalo ng suspek si Bañez na inawat ng biktima.

Nabunton ang galit ng suspek sa biktima at kumuha ng kutsilyo bago tinarakan si Quitalig na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC.

Nadakip naman ng mga pulis ang suspek subalit hindi na nakita ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang pinagtalunan ng dalawang lasing.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply