Umawat sa gulo, lalaki kritikal

emergency-2

MALUBHANG nasugatan ang isang 29 anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng kapitbahay nito na umawat matapos na pagmumurahin ng huli ang bisita nito sa Sta Ana, Maynila.

Inoobserbahan ngayon sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Stephen Aulestia ng 2nd floor, 1858 Oro-B St., Sta Ana, Maynila sanhi ng saksak sa likurang bahagi ng katawan.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Enyong Juinio Jr., kapitbahay ng biktima.

Sa naantalang ulat ng Manila Police District (MPD- Police Station 6 dakong 3:00 kahapon ng naganap ang insidente sa bahay ng biktima.

Nabatid na masayang nag-iinuman ang biktima kasama ang ilang bisita upang ipagdiwang ang kaarawan ang kanyang hipag nang dumating ang suspek at minura ang isa sa bisita ng una.

Namagitan naman ang biktima subalit sa halip na magpaawat  ang suspek   ay naglabas ito ng patalim at walang sabi-sabing sinaksak ang una sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Tinangka namang tumakas ang suspek subalit maagap ang pagresponde ng mga barangay officials sa pamumuno ni Brgy Kagawad Geraldo Torres ng Bry 770 Zone 84 District 5 na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng MPD-Station 6.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply