Umiwas sa paputok – Malakanyang

paputok

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na sundin ang kampanya ng Department of Health (DoH) laban sa paggamit ng malakas at nakamamatay na paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ani Presidential spokesman Edwin Lacierda, kung ayaw ng mga ito na salubungin ang Bagong Taon na putol ang kamay, nasabugan o namatay dahil sa paputok ay mangyaring huwag nang ituloy ang pagpapaputok.

“We would certainly encourage the citizens to refrain from using the more dangerous firecrackers. It would be to your loss. It would really mean a loss of a limb, a loss of an arm, and even your life. So ang ating pakiusap sa ating mga mamamayan ay magdahan-dahan sa paggamit po ng mga paputok,” ayon kay Sec. Lacierda.

Partikular na kinalampag ni Sec. Lacierda ang mga taong pasaway sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

“Merong mga ibang tao talaga na talagang gustong i-celebrate ang New Year (gamit ang) paputok and using dangerous fireworks, ano—‘yung tawag.. mga ‘pasaway’—but talagang magkaroon ng kampanya against the use of the more dangerous or more fatal firecrackers,” ani Sec. Lacierda.

Matatandaan aniya na sinabi ni Pangulong Aquino noon na sa halip na magpaputok ay makakabuting manood na lamang ang publiko ng fireworks.

At kung gagamit naman aniya ng paputok ay mabuti aniyang iyong inirekomenda ng PNP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply