Una sa lahat ang kalusugan ni PNoy

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

TAMA lang naman na kahit paano ay magpahinga o bigyan ng konting layaw sa katawan si Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang sarili sapagkat kailangang-kailangan niya ito dahil sobra-sobra naman ang ginagawa niyang pagtutok sa kanyang trabago sa Palasyo.

Maganda ang ginawa niyang panonood ng sine noong Martes kasama ang kanyang mga kapatid bago siya tumuloy sa bakasyon kung saan nagbiyahe siya gabi ng Martes patungong Baguio.

Hindi lang naman para sa kanyang sarili ang pahingang ginawa ni Pangulong Noynoy subalit para sa mga tao rin sapagkat makabubuti sa kanya ang may maaliwalas na pag-iisip bago muling sumabak sa trabaho matapos ang ilang araw na bakasyon.

Kasama ni PNoy ang kanyang Cabinet Secretary na si Sec. Rene Almendras na tiyak na hindi pababayaan ang Pangulo at magpapaalala ng mga bagay na makabubuti sa kalusugan niya. Kasama rin ang pamilya ng kalihim.

Pero tila hindi rin naman napahinga ang Pangulo sa kanyang bakasyon dahil kahit malayo sa sentro ay madalas inaalam nito o nakamonitor ito sa lahat ng kaganapan sa bansa tulad ng pag-alam sa lahat ng update kaugnay sa bagyong “Quinta.”

Sa madaling salita, hindi pa rin nakapagbakasyon at nakapagpahinga ng maayos ang Pangulo bagaman dapat ay unahin niya ito upang mabawasan naman ang stress niya sa pagharap sa problema ng bansa at mga aksyon para lutasin ito.

Ibang klase rin naman kasing magtrabaho itong si PNoy dahil ayaw niyang maipagwalangbahala ang kapakanan ng bansa at mga mamamayan kung kaya’t kahit sa kanyang pagpapahinga, na kailangan naman talaga niya, ay trabaho pa rin ang nasa isip niya.

Dahil batid ng mga kasama ng Pangulo sa Palasyo ng Malakanyang na hindi naman ito matatahimik kapag binigyan nila ng update hinggil sa mga pangyayari kung kaya’t hindi na nila inaalam ang schedule nito upang maiwasang maabala ito sa kanyang pahinga.

Kasi naman, may bilin si Pangulong Aquino na ipaalam sa kanya ang lahat ng pangyayari dahil sa katwiran nito na “he is just a text away.”

Kaya payo lang kay PNoy na alagaan naman niya ang kanyang sarili dahil siya, higit sa lahat, ang kailangan ng mga mamamayan upang mapaangat ang ekonomiya ng bansa at mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply