UPDATE: 2,000 death toll kay ‘Pablo’

LUMABAS na ngayon ang pinangangambahang katotohanan na posibleng umabot o lumagpas pa sa 2,000 ang bilang ng mga nasawi sa hagupit ng Bagyong Pablo at malaking lugar ang magsisilbing mga libingan ng daan-daang kataong nananatiling missing.

Ito ay kasunod na rin ng pahayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos na posibleng aakyat pa sa dalawang libo ang death toll kay Pablo sa Eastern Visayas at Mindanao.

Sa kanyang pahayag, nanatiling bigo ang iba’t ibang  rescue teams na  mahanap ang daan-daang missing individuals sa Compostela Valley at Davao Oriental kung saan ay maaaring tuluyan nang malibing sa mga guho ang mga hindi na mare-retrive na mga bangkay  sa ilalim ng tone-toneladang putik at basura .

Kaninang umaga ay umabot na sa 902 katao ang nasawi habang 635 ang patuloy pang pinaghahanap dahil sa bagyo.

“Kung kasama itong missing [aabot na sa 2,000], pero hindi muna natin i-declare silang patay until makita,” ani Ramos.

Sinasabing may 505 nang missing sa landslide at  flashflood sa  Compostela Valley, habang may 108 naman ang hinahanap pa sa Davao Oriental na pawang itinuturing na hardest hit ng bagyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply