UPDATE: 5 na patay kay ‘Quinta’

TUMAAS na sa lima katao ang naitalang namatay dahil sa pagbaha sa Iloilo dala pa rin ng epekto ng bagyong Quinta.

Huling naitala ng awtoridad ang matanda sa bayan ng Janiuay na tinangay ng agos ng tubig mula sa bundok at ang apat na taong gulang na babae na natabunan ng lupa nang gumuho ang bahagi na kinatitirikan ng kanilang bahay sa Lambunao, Iloilo.

Bukod sa mga namatay ay nawawala naman ang limang katao, habang tatlo sa Barotac Nuevo at tig-isa sa San Miguel at Dumangas.

Umaabot naman sa 22 bayan sa nasabing lalawigan ang lubog pa rin sa tubig-baha.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply