Update: 6 katao, patay sa sunog sa QC

UMAKYAT na sa anim (6) na miyembro ng isang pamilya ang iniulat na namatay habang isa ang nawawala matapos masunog ang inuupahang apartment ng mga ito sa Quezon City.

Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong alas-3:00 ng madaling araw at agad kumalat sa naturang apartment.

Umabot sa task force charlie ang alarma ng sunog na tumagal ng mahigit tatlong oras.

Sinisi naman ng mga residente doon ang mabagal na pagresponde ng mga bumbero kaya’t lumala ang sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply