Update: 94 na patay sa Davao Oriental at ComVal

bagyong-pablo-dec-5-11am

KINUMPIRMA kaninang umaga ni 10th Infantry Division spokesman Lt.Col. Lyndon Paniza na umaabot na sa 94 katao ang namatay habang hindi pa mabilang ang sugatan at nawawala sa probinsya ng Compostela Valley (ComVal) at Davao Oriental sa pananalasa ng bagyong Pablo.

Sinabi ni Paniza na ang nasabing figure ay batay sa kanilang monitoring kaninang alas-9:00 ng umaga.

Sa Davao Oriental, nasa 51 ang casualties na naitala, habang 43 naman sa may Compostela Valley.

Sinabi pa ni Paniza, patuloy na tinutukoy ng 10th Infantry Division rescue teams ang pagkakakilanlan ng mga naging kaswalidad ng kalamidad.

Para naman kay Executive Director Benito Ramos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na nasa 77 pa lamang na bilang ang kumpirmadong nasawi.

Karamihan sa mga patay ay mula sa ComVal.

Ang ibang datos ay patuloy pa umanong kanilang beniberika kasunod na rin ng impormasyon na baka abutin ng mahigit sa 100 ang patay bunsod ng kalamidad.

Kaugnay naman sa mahigit 30 sundalo na missing sa ComVal, isa lamang umano ang namatay at ito ay si S/Sgt. Maximo Alvarez.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply