Update: Bagyong Pablo lumalakas pa

LUMAKAS pa ang bagyong  Pablo  habang  tinatahak ang direksyon ng Surigao del Sur kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services  Administration (PAGASA) namataan ang mata ng bagyong Pablo sa  layong 550 kilometro ng Southeast ng Hinatuan, Surigao del  Sur dakong  8:00 ng umaga kanina.

Si Pablo ay may lakas ng  hangin  na 175  kilometro  bawat  oras  at may  bugso ng hangin  na aabot  sa 210  kilometro bawat  oras.

Ayon sa  Pagasa,  kumikilos  ang  bagyong  Pablo sa direksyon  ng  West Northwest  sa bilis  na  24 kilometro bawat oras.

Nakataas ang signal number 3 sa Surigao del Sur, Surigao del Norte, Siargao, Dinagat, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental.

Habang nakataas naman ang  signal  number  2 sa  Southern  Leyte,  Bohol, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Davao del  Norte, Compostela Valley,

Nakataas naman ang signal number 1 sa mga lalawigan  ng Cuyo  Island,  Eastern Samar, Western Samar, Leyte, Biliran, Aklan, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros  Occidental, Negros  Oriental, Cebu, Siquijor, Zamboanga Province, Lanao  Provinces,  Davao del Sur, North Cotabato, Maguindanao.

Nagbabala  rin ang Pagasa  sa mga   fishing  boat  at maliliit  na sasakyan  pandagat  na mahigpit na  ipinagbabawal ang paglalayag  sa mga kagaratan  na sakop ng warning signal.

Bukas ng umaga (Martes) si Pablo  ay  nasa 30 kilometro  ng Silangan ng  Hinatuan, Surigao  del  Sur  at sa  Miyerkules ng umaga ay nasa  layong 150 kilometro ng Kanluran ng Iloilo City, habang sa Huwebes ng umaga ay nasa 400 kilometro ito ng Kanluran  ng Calapan City Oriental, Mindoro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply