Update: Bagyong Pablo tumama na sa kalupaan

bagyong-Pablo-dec-4

TUMAMA na sa kalupaan ang bagyong Pablo sa Baganga, Davao Oriental kaninang alas-4:45 ng madaling-araw

Sa bulletin ng PAGASA, dakong alas-8:00 ng umaga namataan si Pablo sa layong 80 kilometers (km) timog-silangan ng Malaybalay, Bukidnon.

Umaabot sa 175 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna ang taglay na hangin ni Pablo at may pagbugsong aabot sa 210 kph. Kumikilos ang bagyo papuntang kanluran sa bilis na 26 kph.

Ang lawak naman ng bagyo ay aabot sa 600 kilometro at naaapektuhan nito ngayon ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Nakataas ang signal No. 3 sa mga sumusunod na lalawigan:

– Mindanao
Surigao del Norte
Siargao
Surigao del Sur
Dinagat Province
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Misamis Oriental
Camiguin
Bukidnon
Davao Oriental
Compostela Valley
North Cotabato
Lanao del Sur
Lanao del Norte
Misamis Occidental
Zamboanga del Norte
Zamboanga del Sur
Davao del Norte
Samal Island

– Visayas
Southern Leyte
Bohol
Negros Oriental
Siquijor
Southern Cebu

Signal No. 2 sa mga sumusunod:

– Mindanao
Davao del Sur
Sultan Kudarat
Zamboanga Sibugay
Maguindanao

– Visayas
Rest of Cebu
Camotes Island
Iloilo
Guimaras
Capiz
Leyte
Biliran
Negros Occidental

Signal No. 1 sa mga sumusunod:

– Mindanao
Basilan
Sarangani
South Cotabato

– Visayas
Northern Samar
Eastern Samar
Western Samar
Aklan
Antique

– Luzon
Palawan
Calamian Grp. Of Islands
Ticao Island
Masbate

Dalang ulan

Ayon pa sa PAGASA, ang bagyong Pablo ay magdadala ng heavy to intense rains o 15 hanggang 30 millimeter per hour (mm/h) ang sukat ng mararanasang pag-ulan sa loob ng 600 km lawak ng bagyo.

Maliliit na sasakyang pandagat, pangisda bawal maglayag

Patuloy na ipinagbabawal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat at pagpalaot ng mga mangingisda sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao dahil sa pananalasa ng bagyo.

Ayon kay PCG spokesman Lt. Commander Armand Balilo, ang hakbang ay upang maiwasan ang anomang aksidente sa karagatan dulot ng malakas na bagyong Pablo.

Mga istranded na pasahero

Nakapagtala na ang PCG ng mahigit sa 3,400 pasahero na istranded sa mga pantalan, simula kahapon, dahil sa bagyong Pablo.

Pinakamaraming naistranded sa North at South Harbor sa Maynila, na aabot sa 939 indibidwal. Nasa 842 indibidwal naman mula sa Cebu, Dumaguete at Tagbilaran ang hindi na pinayagang makabiyahe habang 838 naman ay mula sa Cagayan De Oro City.

Aabot naman sa 251 sasakyang pandagat ang hindi na pinayagang bumiyahe kabilang ang 116 rolling cargo, 86 na iba’t ibang vessel at ang 49 motorbanca.

Ayon sa PCG, posible pang madagdagan ang bilang ng makakanselang biyahe.

Patuloy din umano ang pagbibigay nila ng abiso sa mga pasahero upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply