UPDATE: Death toll kay ‘Pablo’ mahigit 700 na

MAHIGIT sa 700 katao na ang naitatalang namamatay dahil sa bagyong Pablo.

Sa latest official death toll ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),  umaabot na sa 714 ang bilang ng mga namatay habang nasa 890 iba pa ang pinaghahanap.

Sa nabanggit na fatalities, 457 ay nakilala na habang 257 pa ang hindi pa kinukuha ng kanilang mga kamag-anak na karamihan ay mula sa lalawigan ng Davao Orienta.

Una nang naglabas ng “flash appeal” ang United Nations (UN) at mga humanitarian partners para matulungan ang mga biktima ng bagyong Pablo na may international name na Bopha.

Batay sa pahayag ng Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, umaapela ang UN ng kabuuang $65 million para magamit sa life saving aid at suporta sa recovery efforts para sa mga nasalanta ng kalamidad.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply