Update: Debris ng NoKor rocket bumagsak sa Phil. Sea

BUMAGSAK sa Philippine Sea at sa Yellow Sea bandang alas-9:05 kaninang umaga ang debris ng rocket na pinakawalan ng North Korea.

Ayon sa South Korean officials, bumagsak sa Yellow Sea ang unang stage ng rocket.

Kinumpirma naman ng Seoul na pinakawalan ng Pyongyang ang rocket alas-8:51 ngayong umaga.

Samantala, ayon naman sa Japanese government, dumaan sa Okinawa ang long-range rocket ng Hilagang Korea.

Dahil dito, nagpatawag na ng emergency meeting ang South Korean at Japanese government kaugnay sa paglunsad ng rocket ng Pyongyang.

Naka-monitor din dito ang NDRRMC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply