UPDATE: Mahigit 300 na ang patay kay ‘Pablo’

UMAABOT na sa 300 katao ang namamatay sa hagupit ng bagyong Pablo na karamihan ay nagmula sa Compostela Valley province at sa Davao Oriental.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, nangangamba sila sa pagtaas pa ng bilang dahil paunti unti nang pumapasok ang impormasyon lalo na sa mga lugar na ngayon pa lamang napuntahan ng mga rescue team.

Sinasabing umabot na rin sa 337 ang sugatan ang naitala at mahigit pa sa 200 ang missing.

Kaagad naman idinepensa ni Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas ang mga local government units sa mataas na bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Pablo.

Sinabi ng kalihim na hindi naman aniya nagkulang ang local officials sa pagbibigay ng abiso at babala sa publiko hinggil sa epekto ng bagyo.

Gayunman, sa kabila aniya ng mga paghahanda, nakalulungkot umano at mataas pa rin ang bilang ng fatalities.

Tinukoy pa ni Sec. Roxas na isang trahedya umano ang nangyari lalo na sa mga pamilya na nawalan ng mga mahal sa buhay.

Dagdag pa ng kalihim, makikita naman umano ang pagiging masigasig ng mga lokal na pamahalaan na matugunan ang pangangailangan ng mga biktimang kababayan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply