UPDATE: MPD may lead na sa suspek sa FEU killings

jerald-ramos

MAY lead na ang Manila Police District sa suspek sa pamamaril at pagkapatay sa dalawang estudyante ng Far Eastern University (FEU) at pagkakasugat sa isa pa.

Ani SPO2 Crispino Ocampo, base na rin sa nakuhang CCTV footage na ibinigay ng barangay na nakasasakop sa pinangyarihan ng krimen sa tapat ng FEU sa Sampaloc, Maynila, kahit nakuha ang aktuwal na pagbaril ay kitang-kita naman sa CCTV ang kakaibang kilos ng dalawang suspek na nasa 20-anyos pataas.

Tumugma  rin ang testimonya ng sugatang si Adrian Joseph Santiago, 2nd year management student na nakasuot ng jacket na itim ang bumaril sa kanila.

Ang naturang itim na jacket ay nakitang suot ng isa sa suspek sa CCTV at hinubad matapos tumakbo papuntang P. Campa.

Nalaman din na ang biktimang si Jerald Ramos ay miyembro ng Scout Royal Brotherhood (SRB) at sinasabi na birthday nito nang maganap ang krimen.

Teorya ng pulisya na “frat war” ang motibo sa pagpaslang sa mga biktima, kabilang na si Juan Paulo Nepomuceno, 1st year fine arts student.

Base sa CCTV footage, kapwa nakasuot ng pantalon na maong ang dalawang suspek, ang isa ay medyo “chubby” at nakasuot ng kulay asul na t-shirt, habang ang isa ay kulay puting t-shirt.

May posibilidad na kalabang fraternity ng mga biktima ang mga pumaslang sa kanila noong alas 7:35 ng gabi noong Martes, habang naglalakad sa may Nicanor Sts. papuntang gymnasium ng FEU sa R. Papa.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply