Update: Patay sa bagsik ng bagyong Pablo 83 na

bagyong-pablo-dec5

TUMAAS pa ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Pablo (Bopha) sa Visayas at Mindanao.

Sa ulat sa radyo, umabot na sa 83 katao ang namatay kung saan sa New Bataan, Compostela Province pa lang ay nasa 43 na ang nasawi sa naganap na flashflood. Marami rin ang nabagsakan ng mga nabuwal na puno.

Umabot naman sa 23 ang namatay at 95 ang sugatan sa Cateel, Davao Oriental.

Ayon sa Davao Oriental Police, pinangangambahang tumaas pa ang bilang ng mga namatay dahil hindi pa napapasok ang mga liblib na barangay sa lalawigan.

Tatlo naman ang namatay sa bayan ng Caraga, at tig-isa sa Banganga, Tarragona, at Manay.

Sa weather forecast ng PAGASA kaninang alas-singko ng madaling araw, ay humina pa ang bagyong Pablo habang patungo sa Northern Palawan.

Taglay ng bagyo ang hanging aabot sa 130 kph malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 160 kph.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa 180 km ng silangan ng Puerto Princesa City.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 24 kph pa-kalunran hilagang kanluran.

Signal No. 3

-Luzon
Northern Palawan
Calamian Grp. of Islands

Signal No. 2

-Visayas
Antique
Iloilo
Guimaras
Bohol
Siquijor
Southern Cebu
Negros Oriental
Negros Occidental

– Luzon
Rest of Palawan

Signal No. 1

– Mindanao
Lanao del Norte
Misamis Occidental
Zamboanga del Norte
Camiguin

-Visayas
Aklan
Capiz
Rest of Cebu

-Luzon
Occidental Mindoro
Lubang Island
Oriental Mindoro
Romblon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply