Update: Patay sa bagyong Pablo, 477 na

SUMIRIT pa sa 477 ang namatay sa pananalasa ng bagyong Pablo sa Eastern Visayas at Mindanao.

Sinabi ni Army M/Gen. Ariel Bernardo, sa nabanggit na bilang, 258 ay narekober sa east coast ng Mindanao habang 191 naman ay sa bahagi ng New Bataan at Monkayo sa Compostela Valley province.

Karagdagang 17 pa ang naiulat na kaswalidad sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao at 9 naman sa Central Visayas.

Maliban dito, patuloy pa rin ang paghahanap sa 380 iba pang nawawala.

Nangako naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi sila hihinto sa paghahanap sa mga naiulat na nawawala.

Ayon kay NDRRMC Executive Dir. Benito Ramos, hangga’t maari ay sisikapin nilang ipagpatuloy ang ginagawang search and rescue effort.

Samantala, nawalan na umano nang inspirasyon pang mabuhay ang tinaguriang “miracle survivor” sa hagupit ng bagyong Pablo.

Makalipas ang dalawang araw, nahukay ng mga otoridad ang 54-anyos na si Carlos Agang matapos matabunan ng putik kasunod nang nangyaring flashflood sa New Bataan, Compostela Valley.
Hanggang ngayon ay hindi pa mahanap ang kanyang asawa at apat na anak.

Si Carlos ay nagtamo ng bali sa paa at kasalukuyang ginagamot na sa ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>