UPDATE: Pinsala ng bagyong Pablo P178M na

MAHIGIT sa P178 milyon na ang pinsalang naidulot ng bagyong Pablo sa bansa.

Pero ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), posibleng tataas pa ang nasabing pigura kapag na-account na lahat ng agriculture department at DPWH ang halaga ng nasira sa bagyo.

Sa talaan ng NDRRMC, mahigit P172.6 milyon ang pinsala sa mga imprastraktura habang ang P2.5 milyon ay mula sa sektor ng agrikultura at P3.2 milyon naman ang naitalang danyos sa mga pribadong ari-arian.

Kabuuang 2,776 bahay sa Rehiyon 10 at CARAGA ang sinira ng bagyo kung saan 1,465 dito ang bahagyang nasira at 1,311 ang totally damaged.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply