UPDATE: Pumatay sa traffic enforcer arestado

crime-fugitive

ARESTADO na ng mga tauhan ng Manila Police District ang seaman na suspek sa pagpatay sa MMDA traffic enforcer  kagabi  sa Tondo, Maynila.

Nakakulong na sa MPD-Homicide detencion cell si Romeo Hernandez, 39, ng 199 Sili Ally, Velasquez, Tondo, Maynila.

Ani P/Insp. Ismael dela Cruz, hepe ng MPD-Homicide Section, ayon aniya sa  anak ng biktimang  si Arnold Reno, 43, nakita niya ang suspek na may isinusukbit na baril sa beywang ilang minuto makalipas ang putukan, alas 8:00  ng gabi.

Huli na aniya nalaman ng bata ang krimen nang makitang duguang nakahandusay sa semento ang kanyang tatay.

Ayon pa kay dela Cruz, paghihiganti ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima dahil kilala ang huli na matalik na kaibigan ng kanyang bayaw.

Ang sinasabing bayaw ng suspek  (Hernandez) ay siya namang salarin sa pagpatay sa kapatid ng una may ilang taon  na ang nakalilipas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply