UPDATE: Tinamaan ng paputok, umakyat sa 150

paputok2

DALAWANG araw bago ang Bagong Taon ay lumobo na sa 150 katao ang bilang ng mga nabiktima ng paputok, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng National Epidemiology Center ng DOH, sa nasabing bilang 149 sa mga ito ay dahil sa fireworks habang isa naman ang biktima ng stray bullet.

Sa kabila nito, iginiit ni Tayag na mas mababa pa rin ito kung ikumpara sa nakalipas na taon sa kaparehong period.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na sa halip na magpaputok ay gumamit na lamang ng ibang alternatibo para sa pag-iingay gaya ng paggamit ng torotot, o di kaya naman ay pagsasayaw ng “gangnam style” na patok na patok ngayon.

Kaugnay nito, balak ni Health Sec. Enrique Ona na makipagdayalogo  sa mga firecracker manufacturer at retailer para ipaliwanag ang kanyang isinusulong ng firecracker ban.

Nauna rito, isinulong ng pamunuan ng DOH ang pagbabawal sa mga ordinaryong mamamayan na makabili ng paputok upang iligtas sa masamang idudulot nito.

Nais ni Ona na magtalaga ang local government units (LGUs) ng firecracker zone kung saan ang mga otorisadong grupo o organisasyon lamang ang papayagan na magpaputok at bumili sa mga manufacturers.

Binigyang diin ng kalihim na hindi mawawalan ng hanapbuhay ang mga pagawaan ng paputok at mga nagbebenta nito, sa halip layunin lamang ng kanyang mungkahi na maiwasan na ang indiscriminate use of firecrackers na madalas nagiging sanhi disgrasya kaya’t marami ang nabibiktima ng paputok sa panahon ng Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply