US President Obama tinanghal na ‘People of the Year’ ng Time Magazine

barack-obama-showbiz

MULING napiling “Person of the Year” si US President Barack Obama ng “Time Magazine” para ngayong 2012.

Ayon sa naturang magazine, ang pagkakapili kay President Obama ay dahil na rin sa muling pagkapanalo nito sa nakalipas na eleksyon sa Estados Unidos sa kabila ng mataas ang unemployment rate sa kanilang bansa.

“He won re-election despite a higher unemployment rate than anybody’s had to face in basically in 70 years,” ayon kay Time editor Rick Stengel. “He’s the first Democrat to actually win two consecutive terms with over 50 percent of the vote. That’s something we haven’t seen since Franklin Delano Roosevelt.”

Magugunitang noong 2008 ay napili ring Person of the Year si Obama ng naturang magazine.

Nasungkit rin ni Obama ang Nobel Peace Prize noong 2009.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply