Utak ng droga sa Taguig at ngayon umeepal kay ‘Pablo’

burdado- jun briones

TUWING may maramihang pagtitipon na maaaring umepal ang mga senatoriable ay biglang sumusulpot ang mga ito para umepal.

Maging ang selebrasyon para kay San Pedro Calungsod ay hindi pinaligtas ng mga senatoriable ng LP na sina Jun Magsaysay, Liza Hontiveros at Bam Aquino.

Tipid nga naman itong mga kandidato ng administrasyon, dahil aangkas na lang sila palagi sa mga pupuntahan ng ating Pangulo.

O nakasabit sa tuwing mamumudmod si PNoy sa mga biktima ng kalamidad.

Ang ibig kong sabihin, parekoy, kung gustong mangampanya o umepal ng mga senatoriable na ito ay dapat gumastos sila mula sa kanilang sariling mga bulsa.

Tutal pag manalo ay mababawi rin naman dahil sa kanilang pangungurakot! Ehek!

Habang sinusulat ko ito ay nananalasa naman ang “supertyphoon” na si Pablo.

Inaasahan nang mag-iiwan ito ng maraming biktima (hu-wag naman sana).

Diyan, parekoy, dapat umepal o magpakitang gilas ang ating mga kandidato.

DIyan na rin natin makikita ang mga “switik” dahil imbes na gumastos mula sa sariling pera ay tiyak na may mga sa-sabit na lang sa pamimigay ng relief goods ng pamahalaan!

Kaya ang sinomang eepal nang nakasabit lang ay hindi natin dapat iboto!

-o0o-

HINDI simple o maliit na bagay lang itong akusasyon ni P03 Alexander Saez laban sa sindikato ng droga sa Taguig City na pinamumunuan mismo ng COP na si S/Supt. Tomas Apolinario Jr.

Maliwanag, parekoy, ang pagdetalye ng dating Taguig police na si Saez kung paano nila nire-recycle ang droga!

Pero sa isang panayam ay pinagtawanan lamang ito ni Chief of Police Apolinario.

Kapal ng apog ng opisyal na ito, parekoy.

Aba eh, sindikato ng droga na mismong siya na  COP ang itinuturong nag-papatakbo, eh, nakuha pang tumawa ng hinayupak!

Pagbutihin mo ang pagta-wa, Col. Apolinario, malay mo huling halakhak mo na ‘yan! Hak, hak, hak! Pwe!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply