Utol di makontak sa ComVal, tumalon sa ilog

Davao City – Hanggang sa ngayon ay hindi pa matagpuan ang isang padre de pamilia na tumalon sa tulay ng Davao river matapos ‘di makontak ang kapatid na nasa New Bataan, Compostela Valley province na sinalanta ng bagyong Pablo.

Ayon sa report, nakilala ang biktima na si Ananias Faminiano, 43, may dalawang anak.

Sa panayam kay Leonor Faminiano, anak ng biktima, masyadong nag-alala ang kanyang ama sa kalagayan ng kapatid nito sa New Bataan.

Tinawagan umano sa cellphone subalit nang di makontak ay basta na lang itong tumalon sa Generoso Bridge ng Davao river.

Agad namang humingi ng tulong sa Philippine Coast Guard ang pamilya ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply