Vendors sa Divisoria umiiyak sa kolektong

lily's-files-lily-reyes

UMIIYAK na raw ang mga vendor sa Divisoria dahil sa laki ng tara at collection na kinukuha ng mga collector  mula sa  Manila City Hall at Manila Police District (MPD).

Partikular na  tinukoy ng  ating mga nakausap na vendor ay itong si  alyas Rey Baba  at isang  alyas  Mananghaya.

Itong si alyas Rey Baba na  isang retiradong pulis ay collector umano ng Mayor’s Complaint Action Team (MCAT) ng Manila City Hall na pinamumunuan ni dating  Police Col. Franklin Gacutan at  si Mananghaya na isang pulis May-nila at nakatalaga sa Dagupan Block na nasa ilalaim ng Police Station 2 ng Manila Police District (MPD) ay collector umano ni PS-2 Commander Col. Erning Tindero.

Ayon sa mga vendor, malupit at madugo umano kung mangolekta ang dalawang collector na sina alyas Rey Baba at   Mananghaya dahil kapag hindi ka naka-pagbigay ay siguradong huhulihin ka at tatangayin ang mga paninda mo at kung minsan ay itinatapon pa raw ng mga ito.

Hindi na nahiya ang dalawang ito, ang lalakas ng mga katawan pero umaasa sa ibang tao, ang kakapal ng mukha, hindi kaya kinikilabutan ang dalawang ito?

Naaatim kaya ng dalawang ito na ipakain sa kanilang pamilya ang perang pinaghirapan ng ibang tao?

Hindi kaya naisip ng dalawang gagong collector ng mga vendor  na ito na uso na ang “instant” ngayon, kung kaya posibleng instant  din kung dumating ang karma? Sana nga lang ay sa inyo tumama ang karma, hindi sa pamilya n’yo.

Araw-araw raw ay may hinihingi itong si Baba sa mga vendor para sa birthday ng kung sinong  Juan dela Cruz, puwera pa yung  araw-araw at lingguhang collection.

Alam kaya ni Manila Mayor Alfredo Lim at ret. Col. Franklin Gacutan ang ginagawang ito ni  alyas Rey Baba?

Nagtatanong lang po.

Hindi kaya naisip nitong si alyas Baba na ang kanyang ginagawa   ay malaking kasiraan at kabawasan sa boto ni Mayor Lim ngayong 2013  election?

Kayo rin, alalahanin ninyo, malakas ang kalaban n’yo, baka pulutin kayo sa kangkungan.

Puwera na lang siguro kung may  nabili kayong sarili ninyong PCOS machine.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa  0915568-3000  at  09087230036  o kaya ay mag-email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply