VisMin, inalerto sa malakas na bagyo

INALERTO na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga residente sa buong Visayas at Northern Mindanao sa papalapit malakas na bagyong Pablo.

Sa pagtaya, inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility
ang bagyo sa araw ng Lunes at maaring tatama sa kalupaan ng Visayas
sa araw ng Miyerkules.

Sa ngayon, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometro
bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 120
kilometro bawat oras.

Mabilis ang usad ng bagyo sa 20 kilometro bawat oras sa direksyon ng kanluran.

Wala pang epekto ang bagyo sa alinmang panig ng bansa dahil nasa labas
pa ito ng Philippine area of responsibility(PAR) na huling namataan sa layong 1,760 kilometro sa silangan ng Southern Mindanao.

Sa ngayon ay maaliwalas ang malaking bahagi ng Pilipinas ngunit
magkakaroon ng kunting pag-aambon sa Davao Region at SOCCSKSARGEN
dahil sa umiiral na intertropical convergence zone (ITZ).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply