Volunteer tanod, patay sa pamamaril sa Taguig

PATAY ang isang volunteer barangay tanod nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang nasa harapan ng kanyang bahay noong Lunes ng gabi sa Taguig City.

Sa naantalang ulat ng pulisya, kumakatok sa kanilang gate ang biktimang si Ricardo Arellano, 46 subalit palabas pa lamang ang kanyang asawa upang pagbuksan siya nang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril dakong alas-7 ng gabi.

Dead on the spot ang biktima sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan habang mabilis namang tumakas ang dalawang salarin bitbit ang ginamit na kalibr .9mm na armas patungo sa hindi nabatid na lugar.

Inaalam naman sa imbestigasyon nina SPO1 Razel Gaspar at PO2 Allen Corpuz ng Investigation Section ng Taguig police kung may kinalaman sa pagiging volunteer barangay tanod ang nangyaring pamamaslang lalu na’t masigasig umano ang biktima sa pagsusuplong sa pulisya ng mga sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga sa nasasakupang barangay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply