Wala munang dyeta

inton

SABI sa isang pag-aaral, ang pagkain daw ay konektado sa emosyon ng isang tao. Kung masaya, kumakain, kung malungkot kakain din.

Sa tuwing may okasyon, lalo sa ating mga Filipino, ma-raming pagkain lagi dahil maraming tao ang bibisita at lahat ay pupunta habang nagsasaya. Meron din namang mga malulungkot o depressed, ‘yung mga nasawi ang puso, minsan ang ganti rin ay ang pagkain ng marami.  Kahit nga sa mga okasyon na may mga patay, may pagkain pa rin.

Pero sabi ng isang eksperimento, kung mas masaya raw ang tao ay mas conscious siya sa kinakain o kakainin niya. Halimbawa, gusto mong mag-saya, mas naiisip mo na kakain ka man ay ‘yung sapat lang at hindi sobra. Dahil maganda ang iyong damdamin medyo mananaig pa rin ang pag-iingat laban sa alam mong masamang epekto ng sobrang dami ng pagkain na ilalagay mo sa ‘yung katawan.

‘Yung iba pa nga raw ay mas tinitingnan ang nutritional value ng pagkain bago nila ito kainin at ito ay bunsod ng kaaya-ayang disposisyon sa buhay. Kabaligtaran kapag malungkot ang isang tao. Wala raw kasing pakialam ang pusong hindi masaya, bahala na ‘ika nga.

Ang ibang kilala ko, pag malungkot, ang gusto ay halos lunurin ang hindi magandang dam-damin sa rami ng pagkain.

Sa parating na Kapaskuhan, malaking bagay talaga ang paghahanda sa sarili. Ang paglilinis ng puso at damdamin samantalang hinihintay ang selebrasyon ng Pasko ay hindi lang makabubuti sa mga relasyon kundi makabubuti rin sa katawan ng isang tao.

Ang payo ng mga eksperto, maging masaya lagi para maging healthy. Ang masayang damdamin ay makatutulong para ma-iwasan ang sobra-sobra at labis-labis na pagkain na alam naman nating lahat na masama sa ating kalusugan.

Hindi maiiwasan sa Pilipinas ang pagkain ng marami at masarap lalo ngayong Pasko.

Mahirap mag-diet, sabi nga. ‘Yung iba ang laging sinasabi “wala munang dyeta”, at saka na lang pagkatapos ng holidays.

Kahit saan ka nga naman pumunta ay may handaan at lahat ng mga espesyal na lutuin ang ihahain.

Pero gaya ng alam na natin ngayon, pwedeng mapangalagaan ang sarili laban sa sobrang pagkain at ito ay ang pagpapanatili ng isang masaya, malinis at maaliwalas na damdamin. Email me at ariel.inton@gmail.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply