Wala ng dating dahil sa bagong maelyang mama!

rocco-nacino-front

TALAGANG todo-iwas si Rocco Nacino na matanong tungkol sa napapabalitang break up nila ni Sheena Halili. Wala siyang comment at all. Hindi niya dini-deny. Hindi rin niya inaamin. Basta no questions about Sheena ang kanyang drama kapag ini-interview siya.

Bakit nga ba he still refuse to talk about Sheena at sa rumored split up nila?

“It’s not that I refuse to talk,” aniya. “It’s just… things like these, it’s personal. It’s private.

“I’d like keep it in private na lang. Siguro preference ko lang ‘yon na huwag pag-usapan.”

It sounds na parang may problema nga sa pagitan nila ni Sheena sa ngayon?

“Wala namang problema. Everything is all right. It’s still the same. We’re good friends. Friends pa rin kami.

Still… katulad pa rin ng dati.”

Do they still go out or see each other?

“Hindi na, e. Kasi I got busy na taping Yesterday’s Bride and Indio kaya hindi na kami masyadong nagkikita.

“Like this week, three days kaming straight na magti-taping ng Yesterday’s Bride. Matagal na rin kaming hindi nagkakausap ni Sheena. Ilang lingo na rin. At saka ang alam ko, umuwi rin siya ng Pampanga, e.

“So… ano, ako I’m just focused sa work. Katulad kahapaon, galing kami ng Davao, I went staraight from the airport to GMA para mag-technical rehearsal sa Party Pilipinas.

“So ngayon, bagsak na ‘yong katawan ko. May schedule pa nga akong workshop mamaya pero hindi ko na mapupuntahan. Uuwi na ako kasi hindi ko na kaya. Kailangan ko nang magpahinga. Babawi ako sa rest.

“So… kapag ganitong may oras ako na libre, I’d rather spend it with my family.”

With his family lang? Dati, he really finds time for Sheena. Ito nga ang dahilan kaya tumitindi ang speculation ng marami na break na sila.

Tapos nataon pa na napi-play-up nang husto ngayon ang tsismis na nagkakamabutihan na raw sila ni Lovi na co-star niya sa panghapong serye ng GMA 7 na Yesterday’s Bride?

Anong reaksiyon niya hinggil dito?

“Wala. Hindi natin maiiwasan ‘yong mga ganyang issues. But, a… I’ll be honest, madalas kaming magkasama. We go out minsan kasama ‘yong mga kaibigan niya.

“We have common friends kaya parang nakatutuwa rin na kasama siya sa circle of friends ko.”

Is he open for dating nowadays? Dati kasi ang sinasabi niya lagi… exclusively dating sila ni Sheena.

Ngayon?

“A… wala ako sa exclusively dating status ngayon. I meet a lot of people ngayon. Kapag may oras, I enjoy spending time sa mga barkada ko gaya nina Enzo (Pineda) at Zeff (Cagayona).

“I go out. I hang out with them. I spend time with them na ano… marami kaming kinikilalang bagong kaibigan.

“So just ano… relaxing lang talaga. Time for myself, kumbaga.”

Nakapagtataka na hindi na sila exclusively dating ni Sheena. Parang may problema nga sa pagitan nila ngayon?

“Because ano… we’re really focused muna sa trabaho. We want to work muna. And… kung anuman ‘yong usapan namin o terms naming ngayon o since noon pa, sa amin na lang ‘yon. A… we talk about it naman.”

Parang maiiba yata ang Christmas ngayon dahil sa naging pagbabago rin sa samahan nila ni Sheens.

“Things will gonna be the same pa rin naman. All this time, gano’n pa rin naman talaga… with my family.”

Ganyan? Minus Sheena na talaga?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply