Walang bulkan sa Pangasinan – Phivolcs

phivolcs

WALANG tumutubong bulkan sa Lingayen, Pangasinan. Ito ang sinabi ni Engr. Teodorico Sison Municipal Engineering Officer III ng bayan ng Lingayen, Pangasinan Lunes ng umaga, matapos mangamba ang mga residente sa Barangay Baay na tila may tumutubong bulkan sa kanilang lugar.

Ayon pa kay Sison, nagsagawa na ng evaluation examination at occular inspection ang Department of Energy (DOE) upang imbestigahan ang tuloy-tuloy na pagkulo ng tubig matapos ang paghuhukay dito ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong nakaraang Mayo.

Paliwanag ni Sison na kumukulong tubig ay sanhi ng friction ng methane gas mula sa mga basura na ibinaon malapit sa ilog ilang daang taon na ang nakalilipas.

Giit nito, walang dapat na ipag-alala ang mga residente dahil normal lamang ang naturang pangyayari at walang tumutubong bulkan tulad ng pinangangambahan ng mga residente.

Sinabi din nito na ayon sa Philvolcs ay walang bulkan sa lugar kaya malayong mangyari ang ikinatatakot ng mga residente sa lugar na kaya kumulo ang tubig day dahil may bulkan sa ilalim nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply