Walang pera-pera sa RH bill, respeto lang – PNoy

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

MALAKI ang respeto ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mga magulang na nagpalaki sa kanya at kanyang mga kapatid sa gawi at aral ng Simbahang Katolika kung kaya naman kahit na kinakalaban siya ng marami sa mga lider ng na-sabing relihiyon ay hindi niya magawang magalit na patuloy na binabatikos ang kanyang pagsuporta na maipasa ang House Bill 4244 o mas kilala bilang Reproductive Health (RH) Bill.

Tanging pagsagot na hindi niya ginamit ang “pork barrel” sa pagkumbinsi sa mga mambabatas na itulak at iboto ang RH Bill upang tuluyan na itong maipatupad at maging batas.

Bagaman hirap na ang kalooban sa bintang ng mga lider ng Simbahang Katolika ay binabalewala na lang niya ang mga salita na maging sa networking sites ay nababasa ng marami.

Bakit nga ba puro bintang ang mga opisyal ng Simbahang Katolika gayung wala naman silang maiharap na ebidensiya at personalidad na magpapatunay na hindi dapat paboran ang RH Bill?

Alam naman ni Pangulong Noynoy na bago pa man magbotohan para sa RH Bill ay naipamahagi na sa mga miyembro ng Kamara o House of Representatives ang pork barrel.

Napipikon man, pilit pa ring kinakalamay ng Pangulo ang kanyang kalooban at siya na mismo ang nagbibigay ng dahilan sa kanyang sarili na hindi siya dapat magalit sa mga akusasyon sa kanya dahil siya mismo ang nakakaalam kung ano talaga ang totoo.

Kaya nga ang payo ni Pangulong Aquino sa kanyang mga kritiko na alamin muna ang katotohanan sa mga iniaakusa sa kanya dahil matagal ng lumabas ang PDAF ng mga mambabatas at maging ang mga hindi kaalyado ay nakikinabang.

Mabuti ang nilalaman ng kalooban ni Pangulong Noynoy dahil hindi naman pansarili ang kanyang nais sa pagpasa ng RH Bill kung hindi para sa kapakanan ng
mga Filipino lalo na ng mga bagong sibol.

Napakarami na nga namang tao sa mundo kaya’t hindi na kailangang madagdagan ng sobra-sobra at batid niya na ang makapipigil sa pagdami ay ang paggamit ng iba’t ibang paraan ng family planning.

Bakit nga naman hindi na lang ang totoong isyu sa RH Bill ang pag-usapan at pagdebatehan?

Bakit kung ano-ano pang usapin na maging ang personal ay tinatalakay at kinakaladkad sa usapin?

Sa Lunes sa pagsalang sa Kamara sa third and final reading ng kontrobersyal na house bill, dalangin ni PNoy na sanay maging maganda ang resulta ng botohan at walang pagbabago sa bilang ng mga sumuporta sa mga mambabatas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply